Philippine Rural Development Project (PRDP) Ground Breaking Ceremony 2021

 

Groundbreaking ng PRDP subproject ‘Improvement of Brgy. Sto. Niño to Brgy Piña Farm-to-Market Road’ na nagkakahalaga ng Php 101 919 216.00 ay ginanap noong ika-22 ng Hulyo, 2021.Ito ang hudyat ng pagsasakatuparan ng proyekto na ito ng DA-PRDP sa bayan ng Taysan.

Ang seremonya ay dinaluhan ng Assistant Secretary for Operations ng Department of Agriculture na si Engr. Arnel De Mesa kasama ang OIC-RED ng DA-Calabarzon na si Vilma Dimaculangan at kanyang mga staff. Nagpahatid rin ng mensahe ang National Director ng PRDP na si Shandy Hubilla. 

Walang humpay  ang pasasalamat ng Bayan ng Taysan sa World Bank at sa DA na syang tumugon  sa  malaking bahagi ng pondong kakailanganin  para sa proyektong ito lalo’t higit sa mga indibidwal na nagkaloob ng bahagi ng lupa para sa pampublikong gamit nito.




Post a Comment

0 Comments