Ang Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Taysan sa pamamagitan ng Punong Bayan, Kgg. Grande P. Gutierrez at ng Buong Sangguniang Bayan, sa pamamatnubay ng PESO Taysan, ay patuloy pa rin na tumatalima/ tumutugon sa implementasyon ng DOLE-TUPAD PROGRAM upang mabigyan ng oportunidad/ emergency employment ang ating mga displaced workers, seasonal workers, mga disadvantaged individuals at yaong mga underemployed na mamamayan ng Taysan.
Bilang pagpapatuloy ng programang ito, sandaan at dalawang indibidwal (102) ang matagumpay na nakatugon sa sampung araw ng pagbibigay ng kanilang serbisyo mula ika- 6 ng Setyembre, 2021 hanggang ika- 16 ng Setyembre, 2021, kung kaya’t ngayong araw na ito, ika- 11 ng Oktubre, 2021 ay itinalaga ang araw ng pagpapasahod sa ating mga benepisyaryo ng programang TUPAD na otorisadong ipapamahagi ng katuwang na money remittance center ng DOLE.
Ang Lokal na pamahalaang Bayan ng Taysan ay ipinaaabot batid ang taos pusong pasasalamat sa Department of Labor and Employment sa pamamagitan ni Sec. Bello III at sa CIBAC PARTYLIST, sa inisyatiba ng Kgg na Sen. Joel Villanueva na patuloy na umaagapay sa Bayan ng Taysan at sa mga mamamayan ng Taysan upang maitawid at matugunan ng pamilyang Tayseno ang mga pangunahing pangangailangan lao’t higit ngayong panahon ng pandemya.
Tamang ugnayan para sa pag unlad ng Bayan!
#InGodWeTrust
#TaysanBayankongMahal
#engrandengserbisyotataktayseno
0 Comments