ENGRANDENG RESBAKUNA SA TAYSAN BAYAN KONG MAHAL: KASANGGA NG BIDA, BATANG TAYSENO EDAD LIMA HANGGANG LABING-ISA
FEBRUARY 23, 2022
Inilunsad ang programa, sa kauna-unahang pagkakataon sa Munisipalidad ng Taysan "Ang Resbakuna para sa mga batang edad 5-11 taong gulang"
Layunin ng programang ito na mabigyan ng proteksyon ang mga batang mamamayan ng Taysan laban sa panganib na dulot ng COVID-19 . Ang pagsasakatuparang ito'y pinangunahan ng Masipag at Pinagpipitagang Ama ng Bayan, Kgg. Grande P. Gutierrez, mga miyembrong bumubuo sa Sangguniang Bayan, mga magigiting na Medical Frontliners at tagapanguna sa pagbibigay ng Serbisyong Pangkalusugan, Dra. Maria Rosita Daisy P. Redelicia.
Layunin din ng programang ito na hikayatin ang mga magulang na makilahok, makiisa at maging kabahagi upang mabigyan ng kaukulang bakuna ang kanilang mga anak.
Para sa pagpapatala, Makipag-ugnayan lamang po sa mga sumusunod:
Barangay Health Workers,
Midwife na nakatalaga sa bawat Barangay, at
sa Rural Health Unit's Personnel ng Taysan.

0 Comments