HANDOG NG PAMAHALAANG BAYAN, KATUWANG ANG PAMBAYANG TANGGAPAN NG KALUSUGAN: ENGRANDENG SERBISYO PARA SA MAMAMAYANG TAYSEΓO - LIBRENG MEDICAL LABORATORY (BLOOD CHEM 8 )
Higit na pinalawig ang serbisyong pangkalusugan sa Bayan ng Taysan, Batangas, kung saan libreng ibinibigay ang serbisyo/ Medical Laboratory (Blood Chem 8 ) para sa lahat ng TayseΓ±o edad Apatnapung gulang pataas (40 year old and above).
Ang Libreng Blood Chem ay handog ng Pamahalaang Bayan sa mga mamamayan ng Dalawampung Barangay sa Bayan ng Taysan, kung saan Unang isinakatuparan sa Barangay Guinhawa noong ika -22 ng Pebrero, 2022 at Barangay Panghayaan ngayong ika 23 ng Pebrero, 2022.
Ang programang ito ay magpapatuloy hanggang ika- 21 ng Marso, 2022 , na naaayun sa itinalagang schedule sa bawat Barangay.
Halina't umantabay, kasabay ng masiglang pamumuhay. Tamang ugnayan at wastong komunikasyon, dulot ay mabilis at akmang impormasyon.

0 Comments