CEREMONIAL TURNOVER IN THE MUNICIPAL LOCAL GOVERNMENT UNIT (MLGU- TAYSAN)- SANGGUNIAN BAYAN 2022







Isang makasaysayang pagdaraos ng Ceremonial Turnover ng Gavel and Block ang isinagawa sa Taysan, Bayan kong Mahal ngayong ika-27 ng Hunyo, 2022 ganap na ika- 10:30 ng umaga sa Tanggapan ng Pangalawang Punong Bayan, Kgg. Marianito “Nitoy” Perez. Ito ay sinaksihan ng Municipal Local Government Operation Officer VI, Ms. Victoria Amor M. San Gabriel kaisa ang mga Department Heads, mga kawani ng Pamahalaang Bayan sa pamamatnubay ng Municipal Transition Team. 

Ang Gavel and Block na siyang sumisimbolo sa katuparan ng Bawat  programa ng pamahalaang Bayan ay buong pusong tinanggap ng Bagong halal na Pangalawang Punong Bayan, Kgg. Edilberto T. Abaday. Ang  hudyat sa  bawat pagbubukas at pagsasara ng Pulong na kapwa umaalingangaw sa bawat pagpokpok ng Gavel and Block ay tanda ng isang solidong hudyat ng pagkakaisa para sa kaunlaran ng ating bayan handog  sa ating  mga mamamayan ng Taysan. 

Ang taos pusong pasasalamat ng Punong Bayan, Kgg. Grande P. Gutierrez sampu ng kawanihan ng   Pamahalaang Bayan at buong miyembro ng Lokal na Sanggunian sa Kgg. Nitoy Perez ay hindi kailanman matatawaran. 

Maraming maraming salamat po sa pagsisilbi sa bayan  bilang  Pangalawang ama ng Bayan at sa  makabuluhang Serbisyo Publiko na inyong inilaan para mamamayang TayseΓ±o. 

Facemasks were removed strictly for photo opportunities only. 

#TaysanBayanKongMahal

#CeremonialTurnover2022

#SerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments