Bilang paghahanda sa darating na pasukan para sa panuruang 2022-2023, ang Pamahalaang Bayan ng Taysan sa Pangunguna ng ating Punong Bayan, Kgg. Grande P Gutierrez at ng Buong Sangguniang Bayan ay nakipag-ugnayan sa lahat ng guro at Punong-guro sa pakikipagtulungan ng ating masipag na Pampurok Tagamasid, Ms. Emie Villamor, upang maisaayos ang gagawing pamamahagi ng School Supplies at masiguro ang kaligtasan ng bawat isa.
Ang mga school supplies ay ipamamahagi sa lahat ng Mag-aaral mula Day Care hanggang Grade 12 Pampubliko at Pampribadong paaralan ng Bayan ng Taysan. Isinakatuparan ang pamamahagi ngayong araw sa Bacao Elem, PiΓ±a Elem, Laurel Elem, at Conde Elementary School. Ang programang ito ay magpapatuloy na naaayun sa itinalagang schedule.
Upang mas mapabuti ang kalagayang pang- edukasyon sa Bayan nating Mahal, ang suporta ng Pamahalaang lokal ay patuloy na iginagawad sa mga ginigiliw nating mag-aaral upang matamo ang Edukalidad sa Bayan ng Taysan.
EDUKALIDAD SA TAYSAN BAYAN KONG MAHAL
Note: Mask were removed for Photo op only.
#InGodWeTrust
#TaysanBayanKongMahal
#EnGrandengSerbisyoTatakTayseΓ±o
0 Comments