enGRANDEng Buwan ng mga Kababaihan 2023 - Brgy. Sto Niño & Brgy. Mataas na Lupa (Day 4)
Ang Pamahalaang Bayan ng Taysan, sa pangunguna ng ating butihing Mayor Grande P. Gutierrez, Vice Mayor Edel Abaday at Sangguniang Bayan ay nakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan.
Ipinagdiwang ang pang-apat na araw, sa mga kababaihan ng Brgy. Sto. Niño at Brgy. Mataas na Lupa ngayong araw ika-17 ng Marso, 2023 sa pamamagitan ng pagbibigay kaalaman tungkol sa Fire Safety at Home sa pamamagitan ng BFP, Women Smoking, Alcohol & Drug (SAD) FREE Taysan Advocacy sa pamamagitan ng God Bless Taysan, Pagbibigay kaalaman sa temang WE for Gender Equality and Inclusive Society sa pamamagitan ng ating MSWDO Ms. Lea Atteo, Libreng Check Up at Multivitamins para sa mga kababaihan sa pamamagitan ng MHO at Pagbibigay mensahe at pagbati ng MWCC President Ms. Elizabeth Gutierrez.
Hangarin natin ang pagkakaisa ng mga kababaihan para maitaguyod ang maunlad at masaganang pamayanan. Tunay na hindi matatawaran ang papel ng Kababaihan sa lipunan! Mabuhay ang mga Kababaihan❤️
#WEcanbeEquALL
#InGODWeTrust
#TaysanBayanKongMahal
#enGRANDEngSerbisyoTatakTayseño
0 Comments