Isang natatanging parangal at pagkilala ang iginawad sa bayan ng Taysan sa ika-122 Police Service Anniversary ng PNP bilang "Drug-Cleared Municipality" sa lalawigan ng Batangas.
Matagumpay na naipatupad sa 20 barangay ang Drug Clearing Program sa pangunguna ng ating butihing Mayor Grande P. Gutierrez at Sangguniang Bayan Members na pinamumunuan ni Vice Mayor Edilberto T. Abaday, kasama ng masisigasig na Taysan M PS sa pamumuno ni PMAJ Arnold Bianzon, masisipag na barangay functionaries na pinamumunuan ng mga kapitan at sa mga mamamayan na walang-sawang nagtutulungan upang masugpo ang ilegal na droga sa ating komunidad.
Ang nasabing gawad pagkilala ay tinanggap ng bagong Punongbayan Edilberto T. Abaday. Kasama ding dumalo ang bagong Taysan PNP Chief PMAJ Mickglo D. MariΓ±as.
Patuloy po tayong magtulungan at magkaisa para sa ikauunlad at mas ikagaganda ng Taysan, bayan nating Mahal.



0 Comments