NOVEMBER 11, 2023
CELEBRATION OF THE 6th TININDAG FOOD DISPLAY IN THE MUNICIPALITY OF TAYSAN, PROVINCE OF BATANGAS WITH THE THEME: IKA- 105 ANIBERSARYO NG TAYSEÑONG NAGKAKAISA; SA PAGSULONG, SAMA-SAMA.
Buong pusong inihahandog ng Pamahalaang Bayan ng Taysan, sa pamamagitan ng butihing Punong Bayan, Kgg. Edilberto Torres Abaday , Sangguniang Bayan, Tanggapan ng Agrikultor at ng buong kawanihan ng lokal na pamahalaan, ang IKA-ANIM NA TAON NG TININDAG FOOD DISPLAY sa Taysan-Bayan nating mahal.
Ang festival ng pagkaing Sentro ng atraksyon, na kung saan ay tinindag sa stik o tindagan ay muling nasaksihan sa Bayan ng Taysan upang pagsalu-saluhan ng mga panauhin at ng mga mamamayang Tayseño. Isang kaganapan na tuwirang sumisimbolo sa Tema ng napapanahong pagdiriwang. Samu’t-saring pagkaing tusok-tusok mula sa stik na kawayan ang inihanda ng iba’t-ibang kalahok mula sa Business Sector ng dalawampung Barangay sa Bayan ng Taysan. Mga Produktong-ani mula sa industriya ng agrikultura gaya ng paghahayupan, paghahalaman bilang pinakapuso ng representasyon ng Sektor ng kooperatiba.
Tunay ngang ang Tayseño ay Nagkakaisa at Sama-Samang nagtataguyod tungo sa patuloy na pagsulong ng Bayan.
Maraming Salamat sa Biyaya at Pagpapala.
Maraming Salamat Tayseño.
Maraming Salamat, Taysan-Bayan Kong Mahal.
0 Comments