“E-DELiver ang Tapat na Serbisyo para sa Tayseño”






 “E-DELiver ang Tapat na Serbisyo para sa Tayseño”

Implementasyon ng Programang Blood Letting bilang paggunita sa ika-105 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Bayan ng Taysan

Bilang pagbibigay ng tapat, sapat at dekalidad ng serbisyo publiko, kapwa binigyan ng prayoridad ang Kalusugan ng mamayan ng Taysan, sa pangunguna ng butihing Punong Bayan, Kgg. Edilberto T. Abaday, kaisa ang Lokal ng Sanggunian,  Municipal Health Office, kasama ang kawanihan ng iba’t- ibang  institusyong pangkalusugan sa Lalawigan ng Batangas. 

Bilang  kabahagi ng paggunita sa ika-105 Anibersasryo ng  pagkakatatag  ng Bayan ng Taysan, Ang Blood Letting Program na isinakatuparan noong nakaraang ika- 07 ng Nobyembre, 2023 ay nagbigay ng pag-asa sa bawat Tayseñong nadugtungan at patuloy na nadudugtungan ang buhay. Ang biyaya at dugong kaloob ng 247 volunteers ay katumbas ng dugtong buhay para sa mga mamamayan higit na nangangailangan. 

Ang Pagpapahatid pasasalamat sa PROVINCIAL HEALTH OFFICE- BATANGAS BLOOD COUNCIL; BATANGAS MEDICAL CENTER; PHILIPPINE RED CROSS- LIPA CHAPTER at mga Bhw’s ay lubos na  ipinaaabot ng Pamahalaang Bayan ng Taysan. 

Maraming Salamat, Taysan- Bayan Kong Mahal.

#TaysanBayanKongMahal

Post a Comment

0 Comments