“Kaganapan sa pagdiriwang ng ika- 6 na Anibersaryo ng Tinindag Festival, Sinamahan, Tinutukan at Kinagiliwan ng Sambayanan at ng mga Mamamayan ng Taysan”
Sa inisyatiba ng Punong Bayan, Kgg. Edilberto T. Abaday at ng local na Sangguniang Bayan, kaisa ang Executive and Events Committee, masiglang binuksan ang Week Long Celebration ng Tinindag Festival , na ngayon ay nasa ika -anim na taon ng paghahatid ng walang humpay na pasasalamat sa mga biyaya at pagpapala para sa Taysan- Bayan nating Mahal.
Batid sa mukha ng bawat isa ang pananabik na masilayang muli ang saya at gandang hatid ng ganitong uri ng Kultural na pagdiriwang. Kaugnay nito, isang Misa Pasasalamat ang inihandog ng Our Lady of Parish Church sa pamamagitan ni Fr. Oscar Larry Famarin at OSJ., na isinagawa sa Municipal Grounds at dinaluhan ng mga panauhin mula sa iba’t-ibang barangay na sakop ng Bayan ng Taysan.
Kayat sinundan ng Tinindag Festival Motorcade ang pang-umagang gawaing ito, na nilahukan naman ng iba’-ibang organisasyon mula sa pampubliko at pampribadong sector ng pamayanan.
Sa pambihirang pagtutulungan at pagkakaisa na ipinamalas ng bawat isa sa taunang Tinindag Festival, na kapwa pinasigla ng partisipasyon ng mga mamamayang Tayseño, ang bawat ambag ay tunay na di kailanman matatawaran, lalo’t higit ang kooperasyon, at mga tulong, anumang anyo nito ay taos pusong ipinagkaloob para sa bayan.
Halina’t tunghayan ang 2023 Tinindag Festival
0 Comments