PAMASKONG PAILAW, MULING NASILAYAN, KINAPANABIKAN AT KINAGILIWAN SA TAYSAN BAYAN KONG MAHAL






PAMASKONG PAILAW, MULING NASILAYAN, KINAPANABIKAN AT KINAGILIWAN SA TAYSAN BAYAN KONG MAHAL

Ang Ceremonial Lighting  ay opisyal na inilunsad noong panahon ng Pandemya  taong dalawampu at isa (2021). Ito ay simbolismo ng bagong pag-asa at pagpapalaya mula  iba’t-ibang epekto ng mapaminsalang COVID-19 sa Mental Health ng bawat  mamamayang Tayseño. Mababanaag sa puso at damdamin ng bawat mamamayan ng Taysan ang siglang idinulot ng makukulay, makikinang at  kumukutikutitap na pailaw, na wari’y nagpapaligsahang magbigay ng inspirasyon sa pagpapapalaganap ng pagmamahalan at pagbibigayan , na siyang tunay na diwa ng kapaskuhan.

Ngayong 2023, malugod na ipinagmamalaki ng Munisipalidad ng Taysan, sa pangunguna ng Punong Bayan, Kgg. Edilberto Torres Abaday at ng Lokal na Sangguniang Bayan,  ang  ikatlong- taon ng pagbubukas ng “Pamaskong pailaw” na matatagpuan sa Doña Pacencia Park, Poblacion West, Taysan, Batangas. Mga pailaw, desinyo at hulmang  ginamitan ng higit  panahon ng presentasyon at pinagbuhusan ng  buong husay ng talentong Tayseño, para sa magigiting na Batangeño”. Mga ilaw na tugma sa kinang ng hangarin ng Ama ng Bayan ng Taysan na ma- EDELiver ang Serbisyo para sa Tayseño.

Kaya’t simula ika-11 ng Nobyembre, 2023 ganap na ika 6:00 PM - 10:00 PM,  gabi-gabing  masasaksihan ang Pailaw sa Bayan ng Taysan. Halina’t tuklasin ang kakaibang saya at pag-asang  hatid ng Kapaskuhan sa Bayan nating Mahal.

Artwork and architectural Design credit to the Municipal Engineering Office 

Post a Comment

0 Comments