Isa pong paglilinaw sa nangyaring operasyon ng Bureau of Immigration sa isang quarry dito sa ating bayan










 Isa pong paglilinaw sa nangyaring operasyon ng Bureau of Immigration sa isang quarry dito sa ating bayan:

Taliwas sa naging ulat ng GMA-7 ukol sa mga Chinese na hinuli kung saan sinabi na illegal ang operation ng quarry, ang nasabing quarry po ay may kaukulang permit mula sa EMB, Office of the Governor at LGU Taysan.
Makikita sa mga larawan na may kaukulang Environmental Compliance Certificate mula sa DENR at Quarry Permit mula sa Office of the Governor ang naturang quarry at may kaukulang Business Permit mula sa ating bayan. Makikita rin na base sa isinumite nilang listahan ng mga empleyado, walang Chinese national ang nagtatrabaho dito. Mariin din pinabubulaanan ang ulat na illegal ang operasyon ng quarry.

Post a Comment

0 Comments