𝑩𝑰𝑫𝑨 𝑩𝑹𝑰𝑮𝑨𝑫𝑨 𝑹𝑼𝑵 2024: 𝑺𝒖𝒑𝒐𝒓𝒕𝒂 𝒔𝒂 𝑲𝒂𝒃𝒂𝒕𝒂𝒂𝒏, 𝑻𝒂𝒌𝒃𝒐 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝑴𝒂𝒕𝒂𝒕𝒂𝒈 𝒏𝒂 𝑲𝒊𝒏𝒂𝒃𝒖𝒌𝒂𝒔𝒂𝒏.



 Sa nalalapit na pagbubukas muli ng mga paaralan para sa panibagong taon ng pakikipag-sapalaran ng mga estudyante, kalakip nito ay ang pag-uumpisa ng Brigada Eskwela. Kaya naman, narito ang isang makabuluhang Fund Raising Event para sa mga Guro at kapwa nating Kabataang Tayseñong mag-aaral.

Inilulunsad ng Pambayang Pederasyon ng Sangguniang Kabataan - Taysan ang 𝑩𝑰𝑫𝑨 𝑩𝑹𝑰𝑮𝑨𝑫𝑨 𝑹𝑼𝑵 2024: 𝑺𝒖𝒑𝒐𝒓𝒕𝒂 𝒔𝒂 𝑲𝒂𝒃𝒂𝒕𝒂𝒂𝒏, 𝑻𝒂𝒌𝒃𝒐 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝑴𝒂𝒕𝒂𝒕𝒂𝒈 𝒏𝒂 𝑲𝒊𝒏𝒂𝒃𝒖𝒌𝒂𝒔𝒂𝒏.
Sama-sama tayong tumakbo para sa mas matatag at mas maunlad na kinabukasan. Sa halagang Isang daang piso (Php100.00) ay makakatakbo ka na, makakatulong ka pa at tiyak na mag-eenjoy ka!
Para sa mga nagnanais na mag-avail ng ticket, mangyaring makipag ugnayan lamang sa mga SK Chairperson at SK Officials sa inyong Barangay. May mga ticket na available sa bawat barangay kaya wag mag-atubiling magtanong.
Ticket Inclusions:
Bib Number, Color Powder and Light Breakfast.
**Official Fun Run Shirt will be limited.
Para sa gustong makapag claim ng Fun Run Shirt, ang pagbibigay po nito ay sa mismong araw ng "BIDA BRIGADA RUN", 1,000 pcs lamang po ang available, kaya ang pagbibigay po nito ay first come first served basis. Mas maaga ka, mas sure na may fun run shirt ka!
**PS: Outsiders are allowed!!!

Post a Comment

0 Comments