"Disaster Response Program: CAPACITY BUILDING ON BASIC LIFE SUPPORT and EMERGENCY RESPONSE TEAM".




 Noong Agosto 14, 2024, ang Dagatan Integrated National High School ay naging sentro ng mga kasanayang pangkaligtasan at kahandaan sa sakuna sa pamamagitan ng "Disaster Response Program: CAPACITY BUILDING ON BASIC LIFE SUPPORT and EMERGENCY RESPONSE TEAM". Ang mahalagang pagsasanay na ito, ay sama-samang isinagawa ng Rotary Club of Downtown Taysan, Dagatan Integrated NHS, at ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, na nagtipon ng mga estudyante, magulang, at guro upang matuto ng mahahalagang kasanayan para sa mga sitwasyong pang-emergency.

Ang mga kalahok ay natuto ng mga praktikal na teknik sa "basic life support, CPR," at mga estratehiya sa "emergency response", upang masiguro na sila ay handang kumilos nang mabilis at epektibo sa oras ng sakuna. 🌟
Lubos na pasasalamat sa lahat ng ating mga katuwang, kalahok, at boluntaryo na nagtaguyod sa tagumpay ng kaganapang ito. Sama-samang nagtataguyod ng mas ligtas na kinabukasan para sa lahat. 🌍πŸ’ͺ

Post a Comment

0 Comments