Barangay Officials & Functionaries Honorarium Pay-out





 Barangay Officials & Functionaries Honorarium Pay-out

Ibinahagi kaninang umaga, Disyembre 16, 2024, ang payout para sa Barangay Officials & Functionaries ng 20 Barangays. Ito ay sa pangunguna ng ating Punong Bayan, Kgg. Edilberto T. Abaday at Sangguniang Bayan kasama ang mga kawani ng Pamahalaang Bayan.
Isang pagpapahalaga at pasasalamat sa kanilang walang humpay na pagseserbisyo at dedikasyon sa kanilang nasasakupang Barangay. Ang kanilang tapat na paglilingkod ay patuloy na nagbibigay ng inspirasyon at gabay para sa ating komunidad. Sa pamamagitan ng hakbang na ito, ating kinikilala ang kanilang mahalagang kontribusyon sa pagpapabuti at pag-unlad ng ating Bayan.

Post a Comment

0 Comments