BHW PAYOUT
Ibinahagi kaninang umaga, Disyembre 09, 2024, ang payout para sa Barangay Health Workers ng 20 Barangays. Ito ay sa pangunguna ng ating Municipal Health Officer, Dra. Maria Rosita Daisy P. Redelicia, Municipal Treasury Staff at binigyang suporta ng ating Punong Bayan, Kgg. Edilberto T. Abaday.
Kasabay ang pasasalamat sa ibinibigay na serbisyo ng mga Barangay Health Workers sa ating Bayan. Ang inyong sakripisyo ay labis naming pinahahalagahan. Nawa'y patuloy kayong pagpalain at bigyan ng lakas upang magpatuloy sa pagtulong sa ating Bayan.
0 Comments