Centenarian Awardee | Lola Victoria P. Perez mula sa Brgy. Mataas na Lupa.






 Centenarian Awardee | Lola Victoria P. Perez mula sa Brgy. Mataas na Lupa.

Kaninang umaga , masayang tinanggap ni Lola Victoria Perez ng Barangay Mataas na Lupa ang Centenarian Award, Cash assistance na P100,000.00 na nagmula sa National Government at P15,000.00 mula sa Pamahalaang Bayan ng Taysan. Ang Centenarian Act o Batas Republika 10868 ay nagbibigay pansin sa mga Pilipino na umabot ng 100 taong gulang, bilang pagkilala sa kanilang natatanging kontribusyon sa lipunan sa pamamagitan ng pagbibigay ng insentibo mula sa pamahalaan.
Ang cash gift ay ipinagkaloob sa pangunguna ng ating Punong Bayan, Kgg. Edilberto T. Abaday, Sangguniang Bayan, kawani ng DSWD Office Ms. Aynna Pizarra kasama ang ating MSWDO Ms. Lea D. Atteo at Punong Barangay ng Brgy. Mataas na Lupa, Kgg. Danilo M. Africa.
Congratulations Lola Victoria, nawa'y pagpalain pa po kayo ng Poong Maykapal ng mahabang buhay at magandang kalusugan. Ikaw po ay isang tunay na inspirasyon sa aming lahat!

Post a Comment

0 Comments