Taysan, Kinilala bilang Beyond Compliant Awardee sa 24th Gawad KALASAG Seal for LDRRM.
Sa pamamagitan ng PDRRMO, Ang Bayan ng Taysan ay kinilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas bilang Beyond Compliant sa ginanap na 24th Gawad Kalasag Seal for LDRRM, isang pagkilala mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at Office of Civil Defense (OCD) bilang pagpapamalas ng “Excellence in Disaster Risk Reduction and Management and Humanitarian Assistance”
At ang pinakamataas na pagpupugay sa ating Punong Bayan, Kgg. Edilberto T. Abaday sa kanyang matibay na pamumuno at walang sawang pagsuporta sa pagpapalakas ng mga ganitong programa.
Ipinapaabot din natin ang mataas na pagkilala sa masisipag na kawani ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa pangunguna ni Dr. Marcial O. Cerezo, gayundin sa ating lokal na DRRM Council, mga boluntaryo, katuwang na ahensya, at sa buong TayseΓ±o sa pagkakaisa at masigasig na pagtutulungan na siyang naging susi sa pagkamit ng karangalang ito.
0 Comments