Kasama sina Vice Mayor Eloisa Portugal at Sanguniang Bayan Members, pinangunahan nating ngayong araw ang isinagawang 𝐑𝐞𝐭𝐨𝐨𝐥𝐞𝐝 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐮𝐧𝐢𝐭𝐲 𝐒𝐮𝐩𝐩𝐨𝐫𝐭 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 (𝐑𝐂𝐒𝐏): 𝐒𝐞𝐫𝐛𝐢𝐬𝐲𝐨 𝐂𝐚𝐫𝐚𝐯𝐚𝐧 (Ugnayan sa Barangay) ng DILG sa Barangay Bacao. ✅
Layunin ng RCSP na malaman ang saloobin ng ating mamamayan kung ano-anong issue ang kinahaharap nila sa kanilang barangay para ito ay masolusyunan. Nais ding ilapit nito sa taumbayan ang mga mahahalagang serbisyo at iba't-ibang mga programa at proyekto ng pamahalaan katulad ng 𝙡𝙞𝙗𝙧𝙚𝙣𝙜 𝙘𝙝𝙚𝙘𝙠-𝙪𝙥, 𝙡𝙞𝙗𝙧𝙚𝙣𝙜 𝙜𝙖𝙢𝙤𝙩, 𝙡𝙞𝙗𝙧𝙚𝙣𝙜 𝙗𝙪𝙣𝙤𝙩 𝙣𝙜 𝙣𝙜𝙞𝙥𝙞𝙣, 𝙢𝙜𝙖 𝙥𝙧𝙤𝙜𝙧𝙖𝙢𝙖 𝙥𝙖𝙧𝙖 𝙨𝙖 𝙠𝙖𝙗𝙪𝙝𝙖𝙮𝙖𝙣, at marami pang iba.
Nagpapasalamat tayo sa DILG, Philhealth, Department of Agriculture, Department of Agrarian Reform, Provincial Government ng Batangas, Provincial Health Office at BFP Taysan para sa kanilang pakikiisa at suporta. Hindi rin magiging matagumpay ito kung hindi dahil sa mga departamento sa ating Municipal Hall, Barangay Officials ng Barangay Bacao at SK Federation. ❤️
Makakaasa kayo na magpapatuloy ang ganitong klaseng mga programa o proyekto sa #BagongTaysan dahil hangad nating maramdaman niyo ang aming malasakit at serbisyo.
#MayorDongVillena
0 Comments