Retooled Community Support Program (RCSP) Serbisyo Caravan sa Barangay Piña noong Hulyo 22, 2025!
Handog ng Pamahalaang Bayan ng Taysan ang Serbisyo Caravan sa Barangay Piña sa pangunguna ng mahal nating Punong Bayan, Kgg. Brigido A. Villena, bagamat hindi personal na nakadalo ang ating Punong Bayan, siya ay kinatawan ni Municipal Administrator Atty. Kriselle Balmes-Quintua. Nakiisa rin sa programa ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor Eloisa Angela D. Portugal.
Lubos ang pasasalamat ng Pamahalaang Bayan sa ating MLGOO, Ms. Victoria Amor San Gabriel; sa mga opisyal at functionaries ng Barangay Piña sa pamumuno ni Punong Barangay Kgg. Tony B. Marasigan; sa Sangguniang Kabataan ng Barangay Piña; sa mga kinatawan mula sa iba’t ibang National Government Agencies na naging kaagapay sa pagpapatupad ng programa; sa Rotary Club of Downtown Taysan; at sa lahat ng naging sponsors ng Serbisyo Caravan.
Lalo’t higit, taus-pusong pasasalamat sa mga masisipag na kawani ng Pamahalaan, sa kabila ng masamang panahon buong sigasig na naglingkod at tumugon sa programang hatid ng Pamahalaang Bayan.
0 Comments