Retooled Community Support Program (RCSP) |Serbisyo Caravan sa Barangay Pinagbayanan | Hulyo 29, 2025

 






Retooled Community Support Program (RCSP) |Serbisyo Caravan sa Barangay Pinagbayanan | Hulyo 29, 2025

Sa pangunguna ng ating mahal na Punong Bayan, Kgg. Brigido A. Villena, katuwang si Pangalawang Alkalde, Kgg. Eloisa Angela D. Portugal at ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, matagumpay nating naipagkaloob ang iba’t ibang libreng serbisyong pampubliko sa mga mamamayan ng Barangay Pinagbayanan sa isinagawang RCSP Serbisyo Caravan.
Lubos ang pasasalamat sa lahat ng naging katuwang sa tagumpay ng programang ito—sa DILG sa pamumuno ni MLGOO Ms. Victoria Amor San Gabriel, sa MDDRMO sa pangunguna ni Dr. Marcial O. Cerezo, at sa lahat ng masisipag na kawani ng Pamahalaang Bayan sa pamumuno ng kanilang mga pinuno ng bawat departamento.
Gayundin, taos-puso ang pasasalamat sa suporta ng mga opisyal at functionaries ng Barangay Pinagbayanan, sa pangunguna ni Punong Barangay, Kgg. Huberto Villena; kay SK Federation President, Kgg. Mark Jaylord Gutierrez; sa mga kinatawan mula sa iba’t ibang National Government Agencies; at sa mga Punong Barangay na nakiisa at buong puso ring nagpakita ng pakikiisa sa adhikain ng programang ito.

Post a Comment

0 Comments