Sa patuloy na pakikipag-ugnayan ng Pamahalaang Bayan ng Taysan sa Tanggapan ng Gobernador ng Batangas – Gov. Vilma Santos-Recto, katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE), matagumpay na isinagawa ngayong araw ika-23 ng Hulyo 2025 ang TUPAD PAYOUT para sa 400 benepisyaryo mula sa iba't ibang barangay.
Bilang kinatawan ng Tanggapan ng Gobernador, dumalo si District 4 Head Coordinator - Mr. Mars C. Sevilla, kasama sina Mr. Elvin Tapalia at Mr. Sherwin Camus mula sa DOLE.
Ang buong suporta ng ating Punong Bayan, Kgg. Brigido A. Villena, ay naipaabot sa pamamagitan ng kanyang kinatawan, ang ating Municipal Administrator — Atty. Kriselle Balmes-Quintua. Sa kanyang mensahe, ipinaabot ng Punong Bayan ang taos-pusong pasasalamat sa mga ahensyang patuloy na tumutulong at sumusuporta sa Pamahalaang Bayan ng Taysan.
Dumalo rin sa aktibidad si Bokal Marcus Mendoza, Vice Mayor Eloisa Angela D. Portugal, at ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, bilang patunay ng kanilang buong suporta sa programa.
Mula sa Pamahalaang Bayan ng Taysan, taos-pusong pasasalamat kina Gov. Vilma Santos-Recto, Sen. Ralph Recto, at sa lahat ng nasa likod ng programang ito.
Pasasalamat din sa mga kawani ng Pamahalaan na naging katuwang sa matagumpay na implementasyon ng TUPAD payout, sa pangunguna ng PESO Officer - Ms. Mygelen P. Balasbas.



0 Comments