𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐀𝐈𝐃 𝐎𝐑𝐈𝐄𝐍𝐓𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍


Isinagawa ng 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐃𝐢𝐬𝐚𝐬𝐭𝐞𝐫 𝐑𝐢𝐬𝐤 𝐑𝐞𝐝𝐮𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐚𝐧𝐝 𝐌𝐚𝐧𝐚𝐠𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 (𝐌𝐃𝐑𝐑𝐌𝐎) sa pangunguna ni 𝐃𝐫. 𝐌𝐚𝐫𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐎. 𝐂𝐞𝐫𝐞𝐳𝐨, at suportado at inaprubahan ni 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐁𝐫𝐢𝐠𝐢𝐝𝐨 𝐀. 𝐕𝐢𝐥𝐥𝐞𝐧𝐚, ang First Aid Orientation para sa mga mag-aaral ng Bilogo Integrated National High School. Naging bahagi rin ng programa ang 𝐉𝐮𝐧𝐢𝐨𝐫 𝐌𝐃𝐑𝐑𝐌𝐎 na si 𝐙𝐚𝐛𝐝𝐢𝐞𝐥 𝐕𝐞𝐫𝐚 𝐌. 𝐍𝐚𝐯𝐚𝐥 na nagbigay ng mainit na pambungad na mensahe.
Layunin ng aktibidad na ito na maipamahagi ang kaalaman at kasanayan sa wastong pagbibigay ng first aid upang maging handa ang mga kabataan sa pagtugon sa anumang sakuna o emerhensiya. Sa pamamagitan nito, pinapalakas ang kamalayan at kakayahan ng mga mag-aaral na maging responsableng mamamayan na handang magligtas ng buhay.
Lubos ang pasasalamat ng MDRRMO sa Bilogo Integrated National High School sa kanilang pakikipag-ugnayan, gayundin sa mga mag-aaral na masigasig na lumahok at sa mga guro na buong pusong gumabay sa kabuuan ng gawain.
0 Comments