Mga Kabataang TayseΓ±o! Narito na ang kauna-unahang Inter-Barangay League sa Bayan ng Taysan sa ilalim ng pamumuno ng ating butihing Mayor Brigido “Dong” Villena, katuwang ang ating mga Sangguniang Kabataan!
Isang makasaysayang pagkakataon kung saan hindi lang talento at husay sa larangan ng palakasan ang mabibigyang-diin, kundi higit sa lahat ay ang pagkakaisa, pagtutulungan at tunay na diwa ng sportsmanship ng bawat barangay. Sama-sama nating suportahan ang laban ng kabataan, para sa mas makulay at masiglang Taysan!
Narito po ang malinaw na REQUIREMENTS para sa screening. Kung makumpleto agad ang kailangan, hindi na po tayo mahihirapan sa mismong screening.
1. Birth Certificate (Original and Photocopy)
Dapat naka-address mismo sa barangay ninyo.
π Kung naka-address na, pasado na agad sa screening.
2. Kung hindi naka-address sa barangay ang Birth Certificate:
Magbigay ng Valid ID (Original and Photocopy) na naka-address sa barangay ninyo, tulad ng:
National ID
TIN ID
GSIS
PhilHealth
Pag-IBIG
Passport
**hindi tatanggapin ang Voter’s Certificate, Voter’s ID at Voter’s Registration
π Ipasa ang Valid ID kasama pa din ang birth certificate.
3. Kung wala pa ring ID na naka-address sa barangay:
Magpresenta ng Certificate of Residency na pirmado ng Kapitan, at may kalakip na supporting document tulad ng:
• Birth Certificate ng Ina o Ama (na naka-address sa barangay)
• Birth Certificate ng asawa (na naka-address sa barangay) kung ikaw ay naka-pangasawa na nakatira sa barangay na iyong irerepresenta.
✔️Kung sa unang requirements pa lamang ay may maiibigay at pasado ka na, hindi na kailangan pang ibigay ang mga sunod namin requirements.
✔️ Kung sa pangalawa o patatlong requirements ang iyong nai-provide at pasado ka, mangyaring dalhin pa rin ang mas naunang hininging requirements upang makita namin ang dahilan kung bakit di ka nakapasok/nakapasa sa mga naunang requirements.
❌ Kung wala ni isa sa mga nabanggit na requirements, hindi po makakapasok sa screening at awtomatikong matatanggal ang pangalan sa listahan. Kaya ang ilista at isali sa line-up ng players ay ang mga lihitimong kabataang tayseΓ±o lamang.
#SangguniangKabataan
#diyosangsandigantapatsabayan
#bagongtaysan
0 Comments