Ngayong araw, nagtungo sa Senado ang ating Punong Bayan, Kgg. Brigido A. Villena

Ngayong araw, nagtungo sa Senado ang ating Punong Bayan, Kgg. Brigido A. Villena kasama sina Mayor Leovy Morpe ng Bayan ng Rosario, Vice Mayor Micko Angelo Rivera at Konsehal Inog Estole ng Bayan ng Padre Garcia.

Nagkaroon ng pagkakataon na makadaupang-palad sina Senador Tito Sotto III at Senador JV Ejercito upang maiparating ang mga kahilingan at programang makatutulong sa patuloy na pagpapaunlad at pagsasaayos ng ating minamahal na bayan ng Taysan.

Mga kababayan, ito ay patunay ng patuloy na pagsusumikap ng Punong Bayan na humanap ng mga oportunidad at suporta para sa mas maliwanag, mas maayos, at mas maunlad na kinabukasan ng ating bayan.

#diyosangsandigantapatsabayan
#bagongtaysan

Post a Comment

0 Comments