π’ Pabatid Publiko π’
Ipinababatid po namin sa lahat na magkakaroon ng Civil Registration Service (CRS) Mobile Outlet at PhilSys National ID Registration na gaganapin sa:
π
Setyembre 02, 2025
π Oras: 8:00 AM
π Lugar: Taysan Municipal Gymnasium
Ang programang ito ay handog ng ating butihing Punong Bayan, Mayor Brigido A. Villena, katuwang ang ating Acting Municipal Civil Registrar Ms. Jenelyn Mercado at ang PSA Batangas, na naglalayong ilapit sa ating mga kababayan ang mga pangunahing serbisyo ng Philippine Statistics Authority.
π Serbisyong Hatid:
✅ Pagproseso ng PSA Birth, Marriage at Death Certificates
✅ CENOMAR
✅ Pagpaparehistro para sa PhilSys National ID
π Mga Paalala:
πΉ Sa mga kukuha ng PSA Certificates, mangyaring magdala ng Valid ID.
πΉ Sa mga magpaparehistro para sa PhilSys National ID, magdala ng Birth Certificate.
πΉ Kung wala pong Birth Certificate, maaaring magdala ng Barangay Certification.
πΉ Ang lahat ng transaksyon ay FIRST COME, FIRST SERVED BASIS.
Huwag palampasin ang pagkakataong ito upang mas mapabilis at mapadali ang inyong mga transaksyon! πΌπͺͺ
#diyosangsandigantapatsabayan
#bagongtaysan
0 Comments