Paghahanda para sa Linggo ng Kabataan 2025


Paghahanda para sa Linggo ng Kabataan 2025
Election of Junior Officials | Agosto 1, 2025

Isinagawa ngayong hapon ang halalan para sa mga Junior Officials sa Taysan Evacuation Center bilang bahagi ng paghahanda sa pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2025. Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa iba't ibang paaralan sa Taysan na miyembro ng School Leaders Organization.

Pinangunahan ang aktibidad ng Sangguniang Kabataan Federation President, Kgg. Mark Jaylord S. Gutierrez, katuwang ang kanyang mga kapwa SK officials.

Bilang suporta sa inisyatibang ito, dumalo rin ang ating mahal na Punong Bayan, Kgg. Brigido A. Villena, upang hikayatin ang mga kabataan na aktibong makibahagi sa mga gawain para sa Linggo ng Kabataan at magsilbing kabataang lider sa kani-kanilang paaralan.

Post a Comment

0 Comments