Pista sa Nayon 2025: PuroKalusugan sa Barangay Guinhawa!


Isang makulay at makabuluhang selebrasyon ang idinaos sa Brgy. Guinhawa noong ika-15 ng Agosto, 2025 sa pamamagitan ng Pista sa Nayon – PuroKalusugan 2025. Hatid ng programang ito ang iba’t ibang serbisyong pangkalusugan at masayang aktibidad para sa buong komunidad — mula sa libreng konsultasyon, dental services, nutrition counseling, PhilHealth inquiries, libreng FBS, mental health at family planning sessions, cervical cancer awareness at HPV vaccination, hanggang sa fire & road safety education, Zumba fitness activity at Larong Pinoy.
Ang lahat ng ito ay naglalayong gawing “abot-kamay” ang kalusugan — hindi lamang para magpagamot kundi upang itaguyod ang malusog, ligtas, at masayang pamumuhay ng bawat TayseΓ±o. 




Higit sa lahat, ang aktibidad na ito ay naging matagumpay dahil sa walang sawang suporta ng ating mahal na Punong Bayan, Kgg. Brigido “Dong” A. Villena, kasama si Bise Alkalde Kgg. Eloisa Angela Portugal at mga miyembro ng Sangguniang Bayan.

Dahil sa inyong malasakit at pagtutulungan, naging posible ang isang makulay at matagumpay na Pista sa Nayon para sa Kalusugan ng bawat TayseΓ±o! 

0 Comments