Nagsagawa ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), sa pangunguna ni Dr. Marcial O. Cerezo, ng Tree Planting Activity na layong magbigay ambag sa Climate Change Adaptation at pagpapalakas ng kamalayan ng kabataan sa pangangalaga ng kalikasan. Ang gawaing ito ay buong pusong sinuportahan at pinagtibay ni Mayor Brigido A. Villena, at dinaluhan din ng Junior MDRRMO na si Zabdiel Vera M. Naval.
Sa pamamagitan ng pagtatanim ng puno, natutulungan nating labanan ang epekto ng climate change—tulad ng matinding init, pagbaha, at pagkasira ng kalikasan—habang hinuhubog ang kabataan na maging responsableng tagapangalaga ng ating kapaligiran para sa mas ligtas at mas luntiang kinabukasan.
Lubos ang pasasalamat ng MDRRMO sa pamunuan ng Pinagbayanan Integrated National High School, gayundin sa mga guro at mag-aaral na naging katuwang at gabay sa matagumpay na pagsasagawa ng aktibidad na ito.
#πππππππππ²π¬ππ§ #BidaAngHanda #mdrrmoCares #AngPagigingSafeGawingHabit #ClimateAction
@highlight

0 Comments