𝗣𝗮𝗿𝘁 2 - 𝗞𝗮𝘂𝗻𝗮-𝘂𝗻𝗮𝗵𝗮𝗻𝗴 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿-𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗟𝗲𝗮𝗴𝘂𝗲 𝘀𝗮 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗧𝗮𝘆𝘀𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗶𝗹𝗮𝗹𝗶𝗺 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗺𝘂𝗺𝘂𝗻𝗼 𝗻𝗴 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗯𝘂𝘁𝗶𝗵𝗶𝗻𝗴 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗕𝗿𝗶𝗴𝗶𝗱𝗼 “𝗗𝗼𝗻𝗴” 𝗔. 𝗩𝗶𝗹𝗹𝗲𝗻𝗮, 𝗸𝗮𝘁𝘂𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗴 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗦𝗮𝗻𝗴𝗴𝘂𝗻𝗶𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻.




𝗣𝗮𝗿𝘁 2 - 𝗞𝗮𝘂𝗻𝗮-𝘂𝗻𝗮𝗵𝗮𝗻𝗴 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿-𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗟𝗲𝗮𝗴𝘂𝗲 𝘀𝗮 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗧𝗮𝘆𝘀𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗶𝗹𝗮𝗹𝗶𝗺 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗺𝘂𝗺𝘂𝗻𝗼 𝗻𝗴 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗯𝘂𝘁𝗶𝗵𝗶𝗻𝗴 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗕𝗿𝗶𝗴𝗶𝗱𝗼 “𝗗𝗼𝗻𝗴” 𝗔. 𝗩𝗶𝗹𝗹𝗲𝗻𝗮, 𝗸𝗮𝘁𝘂𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗴 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗦𝗮𝗻𝗴𝗴𝘂𝗻𝗶𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻.

Buong siglang sinalubong ng kabataang Tayseño ang pagbubukas ng 1st Inter-Barangay League na ginanap sa ating Municipal Gymnasium. Ang palarong ito ay matagumpay na naisakatuparan sa tulong ng masigasig na pakikipagtulungan ng Sangguniang Kabataan, sa pangunguna ni SK Federation President, Kgg. Mark Jaylord S. Gutierrez, at ng ating minamahal na Punong Bayan, Kgg. Brigido A. Villena.

Layunin ng proyektong ito na palakasin ang sportsmanship, disiplina, at pagkakaisa ng kabataan—isang hakbang tungo sa mas aktibong partisipasyon ng kabataan sa mga makabuluhang gawain ng ating bayan.

Lubos din ang aming pasasalamat sa buong Sangguniang Bayan, sa pamumuno ni Vice Mayor Eloise Angela D. Portugal, sa lahat ng mga Punong Barangay mula sa 20 barangay ng Bayang Taysan at sa ating Municipal Administrator, Atty. Kriselle S. Balmes-Quintua na buong puso ang suporta at pakikiisa sa adhikaing ito.

Ang matagumpay na pagbubukas na ito ay simula pa lamang ng isang mas masigla at mas matibay na ugnayan ng kabataan at pamahalaan para sa patuloy na pag-unlad ng ating bayan.

Post a Comment

0 Comments