Isinagawa ngayong araw, ika-5 ng Setyembre 2025, sa Taysan Evacuation Center ang Public Consultation kasama ang mga quarry operators, gayundin ang mga dump truck owners sa Bayan ng Taysan.
Ang pagpupulong ay pinangunahan ng ating Punong Bayan, Kgg. Brigido A. Villena, kasama sina Konsehal Rollie Delos Reyes, Municipal Administrator - Atty. Kriselle S. Balmes-Quintua, MPDC - Engr. Bienvenido V. Breiz Jr., Municipal Engineer - Engr. Alberto Jr. P. Cueto, Security and Traffic Management Office (STMO) sa pangunguna ng Security Officer - Sir Miguel Panganiban, at OIC - Police Chief, PCPT Kevin T Amorio.
Tinalakay sa pagpupulong na ito ang mga panuntunang magsisilbing gabay para sa ligtas at responsableng operasyon ng trucking—upang mapanatili ang kaayusan sa lansangan, at masiguro ang kaligtasan at kapakanan ng lahat ng TayseΓ±o.
0 Comments