𝗘𝘅𝗲𝗰𝘂𝘁𝗶𝘃𝗲-𝗟𝗲𝗴𝗶𝘀𝗹𝗮𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗙𝗼𝗿𝘂𝗺 𝗳𝗼𝗿 𝗟𝗼𝗰𝗮𝗹 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 | October 3, 2025 | Pontefino Hotel, Batangas City
Kahapon, October 3, 2025, ginanap ang Executive-Legislative Forum for Local Development sa Pontefino Hotel, Batangas City. Layunin ng forum na ito na pagtibayin ang ugnayan at pagtutulungan ng ehekutibo at lehislatibong sangay ng pamahalaan sa pagbalangkas ng mga polisiya at programang nakasentro sa kapakanan at pangangailangan ng bawat Tayseño.
Kabilang sa mga lumahok sa pagtitipon ang mga Department Heads, Sub-Heads, kinatawan mula sa Civil Society Organizations (CSOs), at mga National Agencies, na nagsilbing katuwang sa pagbibigay ng mas malawak na perspektibo at solusyon sa mga usapin ng lokal na pag-unlad.
Nagbigay ng makabuluhang kaalaman si Atty. Denise Renz Lachaona bilang mahusay na naging resource speaker na nagsilbing gabay sa mga kalahok ng forum. Kalakip nito, nagpaabot din ng mahalagang technical assistance si MLGOO Victoria Amor San Gabriel upang higit pang maisakatuparan ang layunin ng programa.
Sa pamamagitan ng bukas na talakayan at pagkakaisa, ipinapakita ng Pamahalaang Bayan ng Taysan ang patuloy na dedikasyon sa mahusay na pamamahala at tapat na paglilingkod.

0 Comments