Pinarangalan ng Provincial Nutrition Committee ang Pamahalaang Bayan ng Taysan ng Plake ng Pagkilala matapos tayong hiranging 1หขแต Runner-Up sa Search for Provincial Outstanding Municipal Nutrition Committee for the Year 2024, batay sa itinakdang pamantayan ng Monitoring and Evaluation of Local Level Plan Implementation (MELLPI) Pro para sa Local Nutrition Committee category.
Kasabay nito, ginawaran din ng CALABARZON Regional Nutrition Committee ang Taysan, Batangas ng 2024 Green Banner Seal of Compliance bilang pagkilala sa patuloy na pagpapatupad ng mga epektibong programa sa nutrisyon sa lokal na antas.
Tumanggap din ng Plake ng Pagkilala si Gng. Eufronia M. Arellano, Barangay Nutrition Scholar (BNS) ng Brgy. San Marcelino, Taysan, Batangas, mula sa Provincial Nutrition Committee, bilang pagkilala sa kanyang dedikasyon at kahusayan sa ilalim ng Local Nutrition Focal Points (LNFPs) – Barangay Nutrition Scholar Category.
Isang patunay ito ng tapat na paglilingkod at dedikasyon ng Pamahalaan sa pagpapanatili ng malusog at masiglang pamayanan.
#GarantisadongSerbisyo
#garantisadongasenso
#bagongtaysan
#DiyosangsandiganTapatsabayan
0 Comments