✨ 𝐒𝐄𝐀𝐑𝐂𝐇 π…πŽπ‘ 𝐆𝐀𝐍𝐃𝐀𝐍𝐆 π‹πŽπ‹π€ πŸπŸŽπŸπŸ“ | 𝟏𝟎.πŸ‘πŸŽ.πŸπŸ“ ✨





Isang makulay at matagumpay na selebrasyon ng kagandahan at karisma ng ating mga minamahal na lola ang ginanap sa Bayan ng Taysan! πŸ‘‘πŸŒΈ
Ang programang ito ay matagumpay na naisakatuparan sa pangunguna ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa pamumuno ni Ms. Lea D. Atteo, katuwang ang Office of the Senior Citizens Affairs sa pamumuno ni Ms. Jeaneth Borbon, at mga masisipag na kawani ng pamahalaang bayan.
Lubos ang pasasalamat sa suporta ng ating butihing Ama ng Bayan, Kgg. Brigido A. Villena, kasama si Vice Mayor Eloisa Angela D. Portugal at ang mga kagalang-galang na miyembro ng Sangguniang Bayan.
Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng Gandang Lola na nakiisa at nagpakita ng tunay na ganda at inspirasyon. Salamat din sa walang sawang suporta ng kani-kanilang barangay, sa pangunguna ng mga Punong Barangay at Senior Citizens Presidents.
Congratulations sa ating mga nagwagi — tunay ninyong ipinamalas na ang ganda ay hindi nasusukat sa edad, kundi sa kabutihan at saya na inyong ibinahagi
Mabuhay ang ating mga Lola ng Taysan — mga tunay na huwaran ng kagandahan, sigla, at inspirasyon!

Post a Comment

0 Comments