𝟮𝟬𝟮𝟰 𝗢𝘂𝘁𝘀𝘁𝗮𝗻𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗡𝘂𝘁𝗿𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 𝗜𝗺𝗽𝗹𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿𝘀 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘁𝗮𝗻𝗴𝗮𝘀 𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗻𝗰𝗲







Binigyang-pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangangasiwa ng Provincial Health Office (PHO), ang mga huwaran sa pagpapatupad ng mga programa sa nutrisyon, kasabay ng isinagawang pagbibigay pugay sa bandila ng Pilipinas nitong Lunes, ika-27 ng Oktubre 2025, DREAM Zone, Capitol Compound, Lungsod ng Batangas.
Mula sa 34 na bayan at lungsod, itinanghal ang Pamahalaang Bayan ng San Jose bilang Provincial Outstanding Municipal Nutrition Committee (MNC), sinundan ito ng Bayan ng Taysan bilang first runner up at Bayan ng Mataas na Kahoy bilang second runner up. 
Para naman sa local nutrition focal points (LNFPs), tinanggap nina Mirasol Malabanan ng Mataas na Kahoy ang gawad bilang Provincial Outstanding Municipal Nutrition Action Officer at Lovely Katherine Almazan Ireneo ng Taal Batangas ang Provincial Outstanding Municipal Nutrition Program Coordinator.
Ang Provincial Outstanding Barangay Nutrition Committee ay iginawad naman sa Brgy. Tiquiwan sa Bayan ng Rosario, kung saan hinirang si Andrea Jarque bilang Provincial Outstanding Barangay Nutrition Scholar.
Kinilala rin bilang Top Human Milk Hub Donor si Florriza Lavisores, isang consistent breastmilk donor sa loob ng dalawang taon na may tinatayang 80,000 ml milk donation.
Samantala, nakamit naman ni Eva Mercado, mula sa Batangas City Health Office, ang titulong Breastfeeding Champion dahil sa kanyang patuloy na pagsusulong ng mga inisyatibo sa breastfeeding.
#𝗠𝗮𝘁𝗮𝘁𝗮𝗴𝗻𝗮𝗞𝗮𝗹𝘂𝘀𝘂𝗴𝗮𝗻
#𝗠𝗮𝘁𝗮𝘁𝗮𝗴𝗻𝗮𝗕𝗮𝘁𝗮𝗻𝗴𝗮𝘀
#𝗧𝗮𝗹𝗶𝗻𝗼𝗔𝘁𝗣𝘂𝘀𝗼

Post a Comment

0 Comments