Ang Pamahalaang Bayan ng Taysan, sa pakikipagtulungan sa Provincial Planning and Development Office, ay nagsagawa ng Training/Workshop on the Updating of the Comprehensive Development Plan (CDP) noong October 7, 9–10, 2025, sa TESDA Training Center, Poblacion West, Taysan, Batangas.
Ang mga lumahok sa pagsasanay ay binubuo ng mga Municipal Officials, Department Heads, Barangay Officials and Functionaries, Civil Society Organizations (CSOs), at Private Sector Representatives. At ang nasabing aktibidad ay isinagawa sa pangunguna ng Municipal Planning and Development Coordinator (MPDC) Office, sa pamumuno ni Engr. Bienvenido Breiz Jr.
Nagbigay rin ng inspirasyonal na mensahe ang ating Municipal Administrator, Atty. Kriselle S. Balmes-Quintua, na kumatawan sa Punong Bayan, Kgg. Brigido “Dong” A. Villena, bilang patunay ng buong suporta ng Lokal na Pamahalaan sa patuloy na pagpaplano para sa mas maunlad na Taysan.
Ang aktibidad ay matagumpay na nagtapos ngayong araw, October 10, 2025.
#GarantisaDONGserbisyo
#GarantisaDONGasenso
#BagongTaysan
0 Comments