Matagumpay na idinaos ng Pamahalaang Bayan ng Taysan ang pagdiriwang ng National Children’s Month 2025 na may temang:
“OSAEC–CSAEM Wakasan: Kaligtasan at Karapatan ng Bata, Ipaglaban!”
Pinangunahan ang selebrasyon ng ating Punong Bayan, Kgg. Brigido A. Villena, at ng Sangguniang Bayan, katuwang ang MSWDO sa pamumuno ni Ms. Lea D. Atteo.
Tampok sa pagdiriwang ang iba’t ibang makabuluhang aktibidad na nagbigay saya, kaalaman, at inspirasyon sa mga kabataan—bilang patunay ng patuloy na pagtutok ng lokal na pamahalaan sa kanilang kapakanan, seguridad, at karapatan para sa mas maliwanag na kinabukasan.
Sa pagtatapos ng programa, muling ipinaabot ng Pamahalaan ang mahalagang panawagan:
✨ “Wakasan ang pang-aabuso. Itaguyod ang karapatan. Kaligtasan ng bata, ipaglaban!” ✨
#GarantisadongSerbisyo
#GarantisadongAsenso
#DiyosAngSandiganTapatSaBayan
#BagongTaysan
0 Comments