Ipinakita sa kompetisyon ang makukulay at masiglang pagtatanghal ng mga grupo na sumasalamin sa talento, sigla, at pagkakaisa ng Tayseño, na naglalayong ipagbunyi ang kultura at sining ng bayan.
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 8th Tinindag Festival at 107th Founding Anniversary ng Bayan ng Taysan, matagumpay na idinaos ang Street and Court Dance Competition sa pangunguna nina Mayor Brigido A. Villena, Vice Mayor Eloisa Angela D. Portugal, mga kasapi ng Sangguniang Bayan, at Municipal Administrator Atty. Kriselle Balmes-Quintua.
Taos-puso ang pasasalamat kay Ms. Ma. Fatima M. Breiz, Committee Chairperson ng Street and Court Dance Competition, kay Engr. Clarisse Comia-Evangelista, Overall Committee Chairperson ng 8th Tinindag Festival at 107th Taysan Founding Anniversary, sa lahat ng kalahok, at sa bawat miyembro ng Pamahalaang Bayan na naging katuwang sa pagdiriwang na puno ng sigla at saya.
#8thTinindagFestival
#107thFoundingAnniversary
#GarantisadongSerbisyo
#GarantisadongAsenso
#BagongTaysan
#DiyosAngSandiganTapatSaBayan
0 Comments