BAYANG TAYSAN, KINILALA BILANG SUBAYBAYANI LGU EXEMPLAR 2025!






Isang malaking karangalan para sa Bayan ng Taysan na maging bahagi ng mga natatanging Local Government Units sa Batangas na pinarangalan sa 2025 SubayBAYANI Award ng Department of the Interior and Local Government (DILG-CALABARZON).
Ang pagkilalang ito ay patunay sa patuloy nating pagsulong ng tapat, hayag, at responsableng pamamahala — kung saan bawat proyekto ay maayos na mino-monitor, matapat na naipatutupad, at tunay na naglilingkod sa ating mga mamamayan.
Sa pamumuno ni Mayor Brigido A. Villena, kasama ang MLGOO Victoria Amor M. San Gabriel, LPMC Chairperson, Engr. Albert Jr. P. Cueto at mga katuwang na ahensya, ipinagpapatuloy natin ang adhikain na itaguyod ang garantisadong serbisyong may malasakit, integridad, at kahusayan.
#GarantisadongSerbisyo
#GarantisadongAsenso
#BagongTaysan
#DiyosAngSandiganTapatSaBayan

Post a Comment

0 Comments