Bago pormal na buksan ang Tinindag na Hain para sa ating mga Tayseño, isinagawa muna ang ribbon cutting na pinangunahan nina Mayor Brigido A. Villena, Vice Mayor Eloisa Angela D. Portugal, Congressman Caloy Bolilia, at mga kasapi ng Sangguniang Bayan.
Lubos ang pasasalamat kay Sir Edmond Favorito, Committee Chairperson ng Tinindag Food Display, at kay Engr. Clarisse Comia-Evangelista, Overall Committee Chairperson ng 8th Tinindag Festival at 107th Taysan Founding Anniversary, na nanguna upang maging matagumpay ang aktibidad.
Gayundin, sa ating mga business owners na buong pusong nagbahagi at sumuporta, at sa mga kawani ng Pamahalaang Bayan na naging katuwang sa matagumpay na pagsasakatuparan ng Tinindag Food Display.
Ang tagumpay ng kaganapang ito ay patunay ng matibay na pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat Tayseño.
#8thTinindagFestival
#107thFoundingAnniversary
#GarantisadongSerbisyo
#GarantisadongAsenso
#BagongTaysan
#DiyosAngSandiganTapatSaBayan
0 Comments