Nairaos natin ang pagdiriwang ng Ika-8 Tinindag Festival at Ika-107 Founding Anniversary ng Bayan ng Taysan sa pamamagitan ng isang banal na misa—pagpapatunay ng ating matibay na pananampalataya at pagkakaisa bilang isang komunidad.
Ipinagkaloob din ang parangal sa ating mga natatanging kababayan bilang pagkilala sa ating mga stick maker sa kanilang mahigit limang dekadang kontribusyon sa sining, kultura, at pagkakakilanlan ng Taysan.
Ang kanilang patuloy na paglikha, kasanayan, at sipag ay nagsisilbing buhay na simbolo ng talino, pagkamalikhain, at pagmamahal sa ating bayan.
Maraming salamat sa lahat ng pinarangalan—sa inyong talento at dedikasyon, mas nabibigyang kulay ang ating Tinindag Festival at 107th Founding Anniversary.
#8thTinindagFestival
#107thFoundingAnniversary
#GarantisadongSerbisyo
#GarantisadongAsenso
#BagongTaysan
#DiyosAngSandiganTapatSaBayan
0 Comments