𝐓𝐮𝐫𝐧𝐨𝐯𝐞𝐫 𝐂𝐞𝐫𝐞𝐦𝐨𝐧𝐲 𝐨𝐟 𝐃𝐀 𝐀𝐠𝐫𝐢-𝐈𝐧𝐟𝐫𝐚𝐬𝐭𝐫𝐮𝐜𝐭𝐮𝐫𝐞 & 𝐋𝐢𝐯𝐞𝐬𝐭𝐨𝐜𝐤 𝐄𝐜𝐨𝐧𝐨𝐦𝐢𝐜 𝐄𝐧𝐭𝐞𝐫𝐩𝐫𝐢𝐬𝐞 𝐃𝐞𝐯𝐞𝐥𝐨𝐩𝐦𝐞𝐧𝐭





Isinagawa din ngayong araw ika-27 ng Nobyembre, 2025 ng Department of Agriculture Region IV-A Livestock Program ang Turnover Ceremony ng Cattle Feedlot Fattening Project ng Livestock Economic Enterprise Development (LEED), kung saan ipinamahagi ang dalawampung (20) baka sa mga BAHW's ng bawat barangay.
Dinaluhan ang nasabing aktibidad ni Mayor Brigido A. Villena, Congressman Caloy Bolilia at ng Sangguniang Bayan Members, bilang pagpapakita ng kanilang patuloy na suporta sa mga programang pang-agrikultura na naglalayong paunlarin ang kabuhayan ng ating mga magsasaka.
Naisakatuparan ang proyekto sa pamamagitan ng mahusay na pakikipag-ugnayan ng ating Punong Bayan, Kgg. Brigido A. Villena at ng ating Municipal Agriculturist, Engr. Clarisse Comia-Evangelista, sa Department of Agriculture.
Patuloy ang ating pagkakaisa at pagtutulungan para sa mas masagana at maunlad na Taysan.
#GarantisadongSerbisyo
#GarantisadongAsenso
#DiyosAngSandiganTapatSaBayan
#BagongTaysan

Post a Comment

0 Comments