Personal na dumalo ang Punong Bayan, Kgg. Brigido A. Villena, kasama ang Municipal Administrator, Atty. Kriselle S. Balmes-Quintua, sa buwanang pulong ng Liga ng mga Barangay bilang pagkakataon upang makipag-ugnayan, kumustahin ang mga proyekto at pangangailangan ng bawat barangay, at higit pang palakasin ang koordinasyon at suporta sa mga Barangay ng Bayan ng Taysan.
Sa pulong ding ito, personal na inimbitahan ng Punong Bayan ang lahat ng Punong Barangay para sa nalalapit na 8th Tinindag Festival at 107th Founding Anniversary ng Bayan ng Taysan.
Sa patuloy na pakikipag-ugnayan at sama-samang pagkilos, mas nagiging matatag ang ating bayan tungo sa mas maunlad at mas makabagong Taysan.
#GarantisadongSerbisyo
#GarantisadongAsenso
#BagongTaysan
#DiyosAngSandiganTapatSaBayan
0 Comments