Sama-sama nating sinindihan ang liwanag ng pag-asa at saya ngayong kapaskuhan! π
π
Ang makukulay na ilaw sa ating plaza ay sumisimbolo ng pagkakaisa, pag-ibig, at pag-asa para sa bawat isa. π«
Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng naging abala at tumulong upang maging matagumpay ang Pailaw sa Plaza, sa pangunguna ng Committee Chairperson ng Christmas Lighting, Engr. Albert Jr. P. Cueto, at sa lahat ng mga kawani na naging katuwang sa paghahanda.
Isang taos-pusong pasasalamat din kay Mayora Mariel, na naging abala at aktibo sa pagpapaganda ng ating plaza, kasama ang kanyang mga kasamahan, upang maramdaman ng bawat isa ang tunay na diwa ng Pasko. ❤️
Ang tagumpay na ito ay higit pang pinagtibay ng walang sawang suporta nina Mayor Brigido A. Villena, Vice Mayor Eloisa Angela D. Portugal, at ng buong Sangguniang Bayan. ✨
0 Comments