Ngayong araw ng Martes, dumalo si Punong Bayan Kgg. Brigido A. Villena sa pagpupulong ng Business One-Stop Shop (BOSS) bilang bahagi ng paghahanda para sa permitting operations sa darating na taon. Patuloy ang koordinasyon ng iba’t ibang tanggapan upang matiyak ang mas mabilis, maayos, at episyenteng proseso ng pagkuha ng business permits para sa ating mga kababayan.
Kasunod nito, personal na tinanggap ng Punong Bayan ang mga panauhin sa kanyang tanggapan, kabilang ang mga kinatawan mula sa Department of Agrarian Reform (DAR) upang talakayin ang mahahalagang usapin na naglalayong higit pang mapabuti ang serbisyong publiko para sa bawat TayseΓ±o. Dumalaw rin ang ilang Barangay Officials ng Barangay Guinhawa upang magsangguni at personal na maiparating sa Punong Bayan ang mga isyung kinakailangang tugunan sa kanilang barangay.
Nananatiling nakatuon ang Pamahalaang Bayan sa paghahatid ng tapat, mahusay, at makabuluhang serbisyo para sa bawat mamayang TayseΓ±o.
#GarantisadongSerbisyo
#GarantisadongAsenso
#DiyosAngSandiganTapatSaBayan
#BagongTaysan
0 Comments