๐๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฒ ๐Ž๐Ÿ๐Ÿ๐ข๐œ๐ข๐š๐ฅ๐ฌ’ ๐’๐ฎ๐ฆ๐ฆ๐ข๐ญ ๐จ๐ง ๐๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฒ ๐†๐จ๐ฏ๐ž๐ซ๐ง๐š๐ง๐œ๐ž | TEAM BUILDING | 11.18.25






Ipinagpatuloy ang Barangay Officials’ Summit sa ikalawang araw na nakatuon sa Team Building bilang paraan upang higit pang mapalakas ang pagkakaisa at samahan ng mga barangay officials.
Sa pamamagitan ng masigla at interaktibong aktibidad, nabigyang-daan ang bawat kalahok na magtrabaho bilang isang koponan, magbahagi ng kaalaman, at magsanay ng epektibong pagtutulungan. Kasabay nito, nagpakitang-gilas ang lahat sa masayang Zumba, na nagbigay sigla at nagpatibay ng samahan sa mas masiglang paraan.
Ang programang ito ay nagbigay-diin sa kahalagahan ng kooperasyon, tiwala, at sama-samang paglilingkod, na pundasyon ng mas maayos at matatag na pamamahala sa barangay.
#GarantisadongSerbisyo
#GarantisadongAsenso
#DiyosAngSandiganTapatSaBayan
#BagongTaysan

Post a Comment

0 Comments