๐“๐š๐ฒ๐ฌ๐š๐ง ๐–๐จ๐ฆ๐ž๐ง’๐ฌ ๐„๐ฆ๐ฉ๐จ๐ฐ๐ž๐ซ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐†๐ซ๐จ๐ฎ๐ฉ | ๐ƒ๐ข๐ฌ๐ฒ๐ž๐ฆ๐›๐ซ๐ž ๐Ÿ๐Ÿ”, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“






Isang makabuluhang hakbang tungo sa mas matatag at inklusibong pamayanan ang isinagawa sa pamamagitan ng paglulunsad ng Taysan Women’s Empowerment Group ngayong Disyembre 16, 2025.
Pinangunahan ang programa ng ating Punong Bayan na si Kgg. Brigido A. Villena, at pormal na inihalal bilang bagong Pangulo ng samahan ang ating butihing Mayora Marielle Villena—isang simbolo ng matatag na pamumuno, malasakit, at patuloy na adbokasiya para sa kapakanan at kapangyarihan ng kababaihan sa ating bayan.
Sa pamamagitan ng samahang ito, patitibayin pa ang boses, kakayahan, at partisipasyon ng kababaihan bilang mahalagang haligi ng kaunlaran ng Taysan.
#GarantisadongSerbisyo
#GarantisadongAsenso
#DiyosAngSandiganTapatSaBayan
#BagongTaysan

Post a Comment

0 Comments