Sa diwa ng Kapaskuhan at bilang pagkilala sa dakilang propesyon ng pagtuturo, matagumpay na isinagawa ang programang “Pamaskong Handog para sa Guro.”
Dumalo ang ating Municipal Administrator, Atty. Kriselle Balmes-Quintua, bilang kinatawan ng ating butihing Punong Bayan, Kgg. Brigido A. Villena, upang personal na maghatid ng pagbati at pasasalamat sa ating mga guro. Matagumpay na naipamahagi ang espesyal na handog bilang munting tanda ng taos-pusong pasasalamat sa kanilang walang sawang paglilingkod at malasakit sa paghubog ng kinabukasan ng kabataang Tayseรฑo.
Ang programang ito ay patunay ng patuloy na pagkilala at suporta ng Pamahalaang Bayan ng Taysan sa mahalagang papel ng ating mga guro.
#GarantisadongSerbisyo
#GarantisadongAsenso
#DiyosAngSandiganTapatSaBayan
#BagongTaysan
0 Comments