Isinakatuparan ngayong araw ang Cancer Awareness and Screening Program sa Taysan Municipal Gymnasium. Ito ay sa pamamagitan ng Batangas Medical Center – Cancer Center sa tamang pakikipag-ugnayan ng ating Punong Bayan, Kgg. Brigido A. Villena, katuwang ang Municipal Health Office sa pamumuno ni Dr. Nanette Virille Vicente, na patuloy na nagtataguyod ng adbokasiya para sa maagap na pagsusuri at mas malusog na komunidad.
Layon ng programang ito na palawakin ang kaalaman ng mga kababayan natin ukol sa cancer at hikayatin ang bawat isa na unahin ang maagang pagpapasuri.
Ang kalusugan ay kayamanan—alagaan natin ito ngayon para sa mas ligtas at malusog na kinabukasan.
#GarantisadongSerbisyo
#GarantisadongAsenso
#DiyosAngSandiganTapatSaBayan
#BagongTaysan
0 Comments